Monday, December 26, 2005

*untitled*

Bakit kaya ang buhay,
Di lahat ay pantay-pantay?
Mayroong perpekto ang itsura
Meron namang pangit ang pustura

Di ko malaman kung ano ba talaga
Ang hanap ng mga taong mapanghusga
Inaaligaga ang aking isip, di maipinta
Dahil sa mga pangungutya’t pangaalipusta

Mabait naman ako kung maituturing
Ngunit hindi nila kailangan ng mabait
Ang hinahanap nila ay mga magagandang binibining
Maipagmamalaki at kahit saan ay maaring bitbit

Kung maari ko lang palitan ang sistemang ito
Dali-dali at walang habas, gagawin ko
Di lang para sa mga katulad kong normal
Kundi para rin sa mga taong nawalan na ng dangal

No comments: