Tuesday, December 27, 2005

PoEm FoR SOMEONE

Bakit kaya hindi ka maaring maging akin?
Dahil ba hindi sapat ang pagtingin?
Pinapanalangin ko ang iyong pagdating
Ngunit, Bakit nga ba nagkaroon ng ganitong taning?

Bihag ako ng simpleng paghanga
Tama bang ako’y mahulog na?
Sana’y humingi ka nang abiso na darating ka
Para ako’y nakapaghanda, at hindi nadapa

Sinasabi nila na hindi tayo maaring maging isa
Sino nga naman ako.. Sino nga ba?
At Kung bakit mahalin ka’y akin nang natutunan?
Kaya panaginip man ay sumasapat na sa kagustuhan

Hindi naman sa kinahihinayang kong nakilala kita
Oo, masaya. Wala nang makahihigit pa.
Ngunit dahil dun, ako’y hinampas ng katotohanan
Marahil ang ilusyon ay sadyang ilusyon lamang..

No comments: