Wednesday, August 17, 2005

** Nang Tayo ay Magkita .... **

Araw noon ng huwebes..
umuulan nang walang hinto..
alas kwatro na ng hapon..
ako’y pauwi na galing sa kaantok antok na araw ng pagaaral..
Naisipan kong dumaan sa Jollibee, dahil ako’y gutom na..
nang nakaramdam na ng pagkabusog..
ako’y lumabas na sa lungang pinanggalingan..
sumakay sa jeepney at ang mukha mo’y aking nakita..


** kumikislap ang ating mga mata, akoy nagtataka ...**

** nakatingin ka sakin, at ako ngayoy nahihiya.. **

** tumitig ka pa lalo, ako ay natutunaw ng unti-unti.. **

** sumisimple ang ating mga ngiti… di ko alam.. bakit tayo nakangisi? **

ngunit ang munting oras na tayoy nagtinginan ay malapit ng magtapos..

pababa na ako sa jeepney na ating naging tagpuan..

sa sa-sandaling oras.. ang mga mata natiy muling nagtagpo..

at ngayo’y nagpapaalam na ang aking tingin..

** muli ko pa kayang matikman ang tamis ng iyong ngiti?! **

No comments: