Saturday, April 02, 2005

Bakit nga ba?

Bakit nga ba ako nilalamig?!
Kung ang panahon ay kasing init ng sisig?!
Ewan koh.. hindi rin ako sigurado..
Marahil ang isip ko ay kay gulo...


Maingay ang kapaligiran.. May kasiyahan...
Ayos lang, dapat masaya siya dahil kanyang kaarawan...
Namulat lang siguro ang mata ko dahil aking naisip...
"Ano bang tugtog yan! ang panget.. kulang sa lift!!


Siguro iniisip niyo na masama ang aking ugali..
Ikaw ba naman, bawiin ang tulog at antok ay mapawi..
Di ba masakit siya sa ulo at nakaka-irita..
Wala tuloy akong magawa kundi itong walang kwentang akda..


Naiinis ako ngayon, marahil di niya alam...
Malamang, ang lakas kasi ng tugtog at wala silang pakialam..
Masaya ako para sa kanya dahil minsan ka lang naman magdiriwang ng iyong ika-labing walong kaarawan...
Ngunit hinihiling ko lang naman, na ang tugtog sana'y paki hinaan..


DAHIL INAANTOK NA AKO!!!
AT PAG AKO'Y NAINIS... HAHAGISAN KOH KAYO NG BATO!!!

(pag pasensyahan niyo na ako.. antok na talaga ako ehh.. hehe..)

No comments: