Wednesday, March 23, 2005

***NgiTi***

Bakit kaya ang ibang tao ay masaya?!
Samantalang ang iba ay hindi man lamang maging maligaya?!
Bakit ang ibang tao ay kaya kang mapasaya?!
Ngunit mapatawa ka ay di ko magawa...


Kailan kaya mabubuhay muli ito?
Ang pagmamahalang iniukit sa aking puso..
Maaring hindi na mangyari ang aking pinapangarap...
Siguro hahayaan ko nalang itong lumipad sa alapaap...


Sa pagkakataong ito, sana'y aking masabi...
Sa pamamagitan ng aking mga nanginginiig na labi...
Na "mahal kita!"sa ikalawang pagkakataon...
at hinihiling na sana ito na ang tamang panahon...


Di ko na inaasahan na ikaw ay magbalik pa sa aking bisig...
Dahil para sa akin, sarado na ang iyong puso at matang may piring...
Ang hinihiling ko lang naman na sana ay maulit...
Ang mga ngiting sa mukha mo'y aking naiukit...

No comments: