Wednesday, February 09, 2005

*untitled*

Habang ako'y nagiisip ng isusulat sa munting papel na ito..
Sa tulong ng tintang ito..


Kausapin moh muna ako mahal koh...
Kahit sa isip lamang..
Nang sa gayo'y maibsan..
Ang inip na aking nadarama..


Lumalagalag sa isip koh...
Ikaw ay kalawakan at ako'y isa lamang bituin..


Ikaw ay aking sinasamba..
Ngunit ako'y inyong minamaliit..


Sawa na ang pusong ito sa mga alipusta ng mga taong walang konsiderasyon...


Kaya luha ang laging kasama nang,,
Mga akda kong sa iba'y walang kwenta..


Ngunit dahil sa iyo at sa mukha mong mala-anghel...
Ako'y naliwanagan nah ng husto...
Ang mga luhang noon ay lumabas sa aking matang mulat...


NGAYO'Y NGITING NAGSASABING...
"MARAMING SALAMAT SA IYO,, KUYA..."

No comments: