Friday, April 06, 2007

*ALOK.*





Malamig ang hangin ngayong gabi...

Gayon din ang aking mga pawis sa palad...

Halos tirik ang mga mata sa kahihintay..

Sa ilang sandaling tila taon sa katagalan...







"HINDI!!"






Sandaling tumigil ang pagtibok ng puso...

Mistulang nagliyab ang aking katawan...

Sa init ng dugong mabilis na dumaloy...

Sa aking mga ugat...







Luha ang tumulo mula sa aking mga matang gulat...
*Sa pagyakap ko sa isang rosas.*



Yumakap ako sa isang rosas...
At niyakap ko nang kay higpit..
Na ni apoy man o alon..
di makapagpapabitiw..

Yumakap ako sa isang rosas..
At niyakap ko nang buong pag-iingat..
Na di koh inaalintanang tumirik ang bawat tinik...

Yumakap ako sa isang rosas...
At niyakap koh ng puspos sa pag-ibig...
Na agad akong lumusaw noong kusa akong iniwan...

Wala na ngayon ang rosas sa lilim ng aking kamay...
Wala na ngayon ang rosas.. sa silong ng aking bisig..
Wala na ngayon ang rosas sa aking yakap..
At inihagis ko sa langit ang dalawa kong kamay..
Kasabay ang pa-impyernong hiyaw ng pagkaguho..
At tumulo, umagos, lumuha ng dugo ang aking mga mata..
At ang rosas ay mas maganda...
At ang rosas ngayon ay mas malambing Dahil wala na siyang tinik...
At ang rosas ngayon ay masaya at tangan-tangan ng iba..
At akong unang yumakap ay nakaluhod..

Bugbog ang isip, duguan sa labas at loob...

Thursday, April 05, 2007

Mayroong isang dilag, nagmamahal ng tapat.

Kasintaha’y pilyo, ginagawa ang hindi dapat.

Makita lang ng babae ang sulyap nitong Ginoo,

Tila ba ang mga galit ay nagiging pagibig na totoo

Kaya naman pagibig niya’y hinahangaan ko.

Ngunit isang araw, habang ang dilag ay naparaan sa parke..

May tunog na sa kanya’y tumawag,

napakatamis na salita ang binigkas ng isang lalake sa kasama nitong babae..

Mga salitang ni minsan ay hindi niya narinig na ibinulong sa kanya ng nobyo,

Nalusaw ang babae, tila ba nawasak ang kanyang puso..

Dahil ang lalake palang iyon ay ang ginoong kanyang sinisinta.

Umuwi ang babae sa kanilang bahay, umiyak ng husto.

Tinanong ang sarili kung “kulang paba ang lahat ng sakripisyo?”

Naghihinagpis ang magandang dilag ng gabing iyon.

Ni hindi siya kumain, di niya maitago ang pagkabigo.

Dumating ang kanyang ama kinabukasan, hindi natiis ang kalungkutan ng anak.

Kinatok ang pinto, hiningi ang sagot ng anak sa tanong ngunit,

katahimikan ay dumanak.

Di nagsasalita ang magandang dilag,

kahit maka ilang beses mang tawagin ng ama.

Nagtaka ang ama, dahil kahit ganoon kalungkot ang kanyang anak,

kilala niya ito.

Sasagot ito sa kanya dahil sila ay sadyang malapit sa isa’t isa.

Isa nalang ang naiisip na gawin ng ama,

ang puwersahang pagpasok sa kwarto ng dilag.

Kaya, sinipa niya ang pinto ng buong pwersa.

Ngunit, sa sandaling ito, mistula siyang bulag.

Dahil nakita niya ang kanyang pinangalagaang anak, na wala nang buhay.

Nagpakamatay ito dahil sa sobrang kalungkutan,

nasa lapag, nakahandusay.

Ang dilag ay nagbigti. Sa sobrang higpit ng lubid, naputol ito.

Sa pagkahulog ng walang buhay niyang katawan,

may natagpuang sulat sa kanyang kamay.

“Gusto ko sa aking libing, hawak ko ang isang pulang rosas,

at sa taas ng aking kabaong, maglagay kayo ng isang kalapati,

at wag niyong kalilitmutan na namatay

ako para sa TOTOONG PAG-IBIG…”