Mayroong isang dilag, nagmamahal ng tapat.
Kasintaha’y pilyo, ginagawa ang hindi dapat.
Makita lang ng babae ang sulyap nitong Ginoo,
Tila ba ang mga galit ay nagiging pagibig na totoo
Kaya naman pagibig niya’y hinahangaan ko.




Ngunit isang araw, habang ang dilag ay naparaan sa parke..
May tunog na sa kanya’y tumawag, napakatamis na salita ang binigkas ng isang lalake sa kasama nitong babae..
Mga salitang ni minsan ay hindi niya narinig na ibinulong sa kanya ng nobyo,
Nalusaw ang babae, tila ba nawasak ang kanyang puso..
Dahil ang lalake palang iyon ay ang ginoong kanyang sinisinta.


Umuwi ang babae sa kanilang bahay, umiyak ng husto.
Tinanong ang sarili kung “kulang paba ang lahat ng sakripisyo?”
Naghihinagpis ang magandang dilag ng gabing iyon.
Ni hindi siya kumain, di niya maitago ang pagkabigo.

Dumating ang kanyang ama kinabukasan, hindi natiis ang kalungkutan ng anak
Kinatok ang pinto, hiningi ang sagot ng anak sa tanong ngunit, katahimikan ay dumanak.
Di nagsasalita ang magandang dilag, kahit maka ilang beses mang tawagin ng ama.
Nagtaka ang ama, dahil kahit ganoon kalungkot ang kanyang anak, kilala niya ito.
Sasagot ito sa kanya dahil sila ay sadyang malapit sa isa’t isa.

Isa nalang ang naiisip na gawin ng ama, ang puwersahang pagpasok sa kwarto ng dilag.
Kaya, sinipa niya ang pinto ng buong pwersa. Ngunit, sa sandaling ito, mistula siyang bulag.
Dahil nakita niya ang kanyang pinangalagaang anak, na wala nang buhay.
Nagpakamatay ito dahil sa sobrang kalungkutan, nasa lapag, nakahandusay.

Ang dilag ay nagbigti. Sa sobrang higpit ng lubid, naputol ito.
Sa pagkahulog ng walang buhay niyang katawan, may natagpuang sulat sa kanyang kamay.
“Gusto ko sa aking libing, hawak ko ang isang pulang rosas, at sa taas ng aking kabaong, maglagay kayo ng isang kalapati, at wag niyong kalilitmutan na namatay ako para sa TOTOONG PAG-IBIG…”

Comments